Magpopost sana ako sa Friendster, kaso ayokong maaresto. Huling post sa Vicky Giambattista Page, kayo na lang maghanap ng bagong blog ko.
Isa itong pagbubunyag.
Hindi ito kamatayan, kundi isang pamamaalam.
Ayokong mamatay.
Gusto kong mamatay.
Kahapon gusto ko talagang mamatay. Tas binasa ko 'yung "Lady Lazarus" ni Sylvia Plath. Kaya naalala kong corny palang magpakamatay. Tas binasa ko 'yung "Daddy" n'ya. Tas naalala ko kung bakit ako nabubuhay.
Titi ng Ama ang husay pala ni Plath no?
Tipong:
Dying
Is an art, like everything else.
I do it exceptionally well.
Tsaka:
Daddy, I have had to kill you.
You died before I had time--
O di ba? Shet, ang jologs ko. Ngayon ko lang nadidiskubre si Plath. Oh well, no-el. Sabi nga ni Theodor Adorno: "There is tenderness only in the crudest demand: that no-one should go hungry anymore."
Nakakuha ako ng sulat. Mula kay Vicky. Ilang sipi:
Mahal kong U:
Alam mo at alam ko na kapag hindi mo natapos ang sikilo, magpakamatay ka man ay wala ring silbi.
Alam mo at alam ko na hindi ka na maliligtas ng kamatayan at sining.
Alam mo at alam ko na kung itutuloy natin ang plano, hungkag ang buhay mo.
Tapusin mo ang sikilo, gawin mo ang dapat mong gawin.
Tayo na rin ang nagpataw sa atin ng atas na 'to. Gawin mo.
Nagmamahal,
Vicky
O s'ya, sa aking mga mambabasa, paalam.
Katapusang tawag.
Bakit kaya hindi iniligtas ni Darna ang mga namatay sa Viron Bus
Ayaw ng nanay ko sa Mga Anghel na Walang Langit, kaya pinapanood namin ngayon si Angel Locsin.
7:56 na. 8 titigil na 'ko.
Hindi pwedeng umibig si Darna. Parang si Anakin Skywalker, kasi a Jedi knows no anger, no fear, no love.
Sunod-sunod na trahedya, tas ngayon kailangan ko pang tiisin si Oyo Boy sa TV.
Teka, si Cogie Yata 'to. Ok naman sa 'kin si Cogie, kasi gusto ko s'ya sa Death Row tsa Kung Mawawala Ka.
Umulan kanina, medyo lumamig. Ngayon tapos na ang ulan.
Malapit na ang Saviors of Kamigawa. Sana naman samahan ako ni Erwin sa Linggo.
Isang minuto na lang, magpapaalam na 'ko.
Nahihilo ako. Tas pag umuubo ako, nasusuka ako. Malapit na. Malapit na.
kapag pinilit mo, at di na totoo, ang awit na magagawa mo ay mawawala sa tono
Harry Potter and the Half-Blood Prince - July
Harry Potter and the Goblet of Fire - October
Knife of Dreams - October
oist, kuha kayo ng Kule Lit Folio
4th floor ng Vinzon's Hall.
Libre ito, magdala lamang ng ID.
Importante ito dahil andun ang kwento kong mali-mali ang Ingles.
Mag-ingat sa mga Born Again sa 1st floor ng Vinzon's. Tandaan ang aking tip: Pag may sumubok magkwento tungkol kay God, sabihin tinaggap mo na si Jesus. Lalayo na 'yan ng kusa.
gusto ko talaga 'yung kamao. bata ko si baby ama.
oo nga pala, kakausapin ko na rin si caty bucu, dahil ako ay mauwanawing tao.
labo ng globe, may bayad ang balance inquiry.
si alvin dacanay ang isa sa pinakamabuting tao sa mundo. god bless pare.
di ko inakalang magkakaganito, wala naman may sabi na malabo ang mundo
Tatlong daan na lang ang laman ng ATM ko. Wala na akong trabaho sa Hunyo. Buntis ang buhay ko. Ngayon pa lang ako nakaranas ng ganitong potensyal.
Sa totoo lang, ayaw ko namang magpakamatay. Kailangan ko lang paglaruan ang ideya para makatulog pag gabi. Malungkot kasi ako ngayon.
Kailan ba ako naging masaya, 'no?
Akala ko kasi, makakapagturo pa ako sa Diliman ng isa pang taon. Akala ko talaga. Tama si Agenth Smith, kahinaan ang pag-asa.
Hindi pa ako magkandaugaga sa tisis ko. Kailangan ko talaga makabasa nang mas marami pang libro. Ang kaso, hindi ako makapasok sa library.
Oo nga pala, muntik ko nang maalala: Caty Bucu, tinext kita alas onse kagabi, nakikiusap. Hindi ka man lang sumagot. Isinusumpa ko, hindi na kita kakausapin magpakailanman.
Balik tayo sa aking kawalan ng trabaho. Hindi ako makapaniwalang hindi alam ng mga estudyante ko ang kantang ito: "It's a tragedy to see the dream is over. And I never will forget the way we met, girl I'm gonna miss you." Living the dream for me ang magturo sa Dili. Hindi ako makapaniwalang tapos na ang panaginip.
Noon, sabi ko, kahit di swelduhan, basta pagturuin ako sa Dili ok na. Nobyembre ako nagsimula. Nang Enero'y wala pa rin akong sweldo, natuklasan kong sinungaling pala ako. Noon, sabi ko, kahit isang semestre lang ako pagturuin, laking pasasalamat ko na sa Departamento ng Filipino. E sinungaling ako.
Upos. Iyon ang pakiramdam ko. Upos.
15 pages to go. I can commit suicide na! Yehey! Finally...
Please help me Lord, don't you see me praying? Can't you see me down here playing?
Malapit na ang liwanag. Nakikita ko na. Malapit na ang liwanag.
Si Sir Dumlao...
Mga Anghel na walang langit. Titi ng Ama.
Walang betlog ang balita.
That was all I needed. Thank you God/dess(es). Salamat. Ngayon naalala ko na kung bakit ako nabubuhay.
that paperweight, it's the crimson gem of cytorak!
sabi yan ni jean gray sa ibang x-men, pero huli na, binugbog na sila ni onslaught, na pinosses si prof x.
naiinis ako, kasi gusto kong mang-away ng di ko kilala, at ng kilala ko, pero di ko sila maaway kasi magmumukha akong gago.
i hate artists.
kanina pinanood ko ulit ang talk to her at the silence of the lambs. of course, wala naman akong pakialam sa mga pelikulang yon, 1/8 attention lang ang itinuon ko sa tv.
may sakit ako ngayon. lalala nang lalala.
sa background ay daughter ng pearl jam. naalala ko yung araw na kinanta ko to para patunayan sa aking dalawang kaibigan na marunong naman ako tungkol sa grunge.
oh well. no-el. may pasok na bukas. pero wala akong lakas.
manonood ako ng nakakatawa. para masaya.
walang pasok sa dos dahil sa kudeta
Tagal ko nang di nagpopost. (Malamang alam n'yo na 'yon.)
Galit sa akin si Mike. May hinala ako kung bakit. Sana hindi totoo. Ayoko ng away.
Lately sa journal ako nagsusulat. Nakakatuwa, naapektuhan ako ng librong binabasa ko. That hasn't happened in a long time.
Teka, naapektuhan pala ako ng "Plexus."
Neil Diamond: Still I wish you'd change your mind, if ask you one more time. But we've been through a thousand times before. Four strong winds that go lonely, seven seas that run dry. All the things that don't change, come what may.
Something something.
But by then it would be winter, not to much for us to do. And those...
I forget kung ano ang susunod. Demonyong plema 'to. O s'ya. Chuck, maraming salamat sa kahapon. Di ko madalas sabihin, pero masaya akong kaibigan kita. Sana di ka magbago.
foot binding
Paboritong mga linya mula kay Rio Alma: Sa Diyos natin ialay/ Kaluluwa ng namatay.
Kanina nabasa ko ang "No Exit" ni Angelo Suarez. Naks, gusto ko tuloy maging makata bigla.
Nagkita kami ni Dennis kahapon. Kasama si Michael, nilibot namin ang Diliman, naghahanap ng kaligayahan.
Hindi namin nakita.
Bakit kaya hindi ako pinapansin ni Silay? Crush ko pa naman s'ya.
This is the way the world ends.
This is the way the world ends.
This is the way the world ends.
'Yung kinabuburat ko noong Byernes, ok na. Salamat sa Diyos.
Akala ko kasi, mananalo ako. Akala ko talaga. Pero mukhang matatalo ako. Nakakatawa. Ngayon pang napakalapit ng tagumpay, ngayon pa ako matatalo. Gusto kong humingi ng tulong mula sa (mga) Diyos(a), kaso baka magalit. Kasi, andami na N'yang/Nilang binigay sa akin.
Kanina pinuntahan ko si Ma'am Lucero. Advice n'ya sa akin, exile, cunning, silence. Actually, walang cunning, exile and silence lang.
Bumili ako ng Krishnamurti kanina. S'ya kaya ang itisis ko?
Excited na akong dumating ang "Revenge of the Sith".
Nagsimula na ang classes kahapon. Sana masaya. Sana.
Isn't that life? Isn't exciting? Isn't that happiness? E, masaya naman si Enoch e. Bakit di natin ipagdiwang ang kanyang pagmomotor? Bakit kung iba ang paraan ng pamumuhay sa atin, buang na?
I love that word, buang.
Sabi ni e. e. cummings, "no one/ not even the rain/ has such small hands." Foot-binding, titi ng Ama!
Nahihilo ako. Matuto kaya akong magdrayb ng owner?
Kayamoto. Kayamo. H'wag kang mamamatay U.
O kung mamamatay ka naman, gawin mong malaking pasabog.
Malapit nang magbertdey si Khan. Ilang taon na kaya s'ya?